MASUSUBUKAN ang pagmamahal ni Sandino Martin para sa kanyang kapatid, na gagampanan ni Bianca King sa kanyang unang pagbibida sa Maalaala Mo Kaya ngayong Sabado ng gabi.
Magkasangga ang magkapatid na sina Sherwin (Sandino) at Love (Bianca) mula pagkabata, lalo na nang maghiwalay ang kanilang mga magulang.
Sila ang naging sandalan ng isa’t isa sa harap ng lahat ng pagsubok na kanilang dinanas, kahit nang magsimulang gumamit ng droga si Sherwin.
Hindi binitawan ni Love ang nakababatang kapatid, kahit na may kanya-kanya na silang mga pamilya. Patuloy na ginabayan at pinagsasabihan nito si Sherwin na itigil ang masamang bisyo.
Si Love ang nag-alaga at tumingin kay Sherwin hanggang sa magkasakit ito sa kanyang kidney. Nang mangailangan ng kidney transplant ito, handang magsakripisyo si Sherwin subalit hindi sang-ayon sa donasyon ang misis ni Sherwin at pamilya nito sa paniwalang ikasasama ni Sherwin ang pagkawala ng isa sa kanyang mga bato.
Ano ang magiging epekto nito kay Sherwin at sa kanyang bisyo? Ano ang pipiliin ni Sherwin: ang sagipin ang buhay ng ate niyang nagmahal at nag-aruga sa kanya o ang sundin ang kagustuhan ng mga mahal sa buhay para sa kanyang sariling kalusugan at seguridad?
Kasama rin sa MMK episode na ito sina Perla Bautista, Lito Pimentel, Mickey Ferriols, Lovely Rivero, Kristel Fulgar, Marc Santiago, Erika Clemente, Erin Ocampo, Marc Acueza at Francine Diaz, sa direksyon ni Paco Sta. Maria at sa panulat nina Arah Jell Badayos at Jaja Amarillo.
Panoorin ang longest-running drama anthology sa Asya, ang MMK, hosted by Charo Santos, tuwing Sabado ng gabi sa ABS-CBN.