JOHN LLOYD: Parang nagbabayad pa kami sa mga maling balita na ikinakalat ng mga tao!

NAGTATAKA si John Lloyd Cruz kung saan ba talaga nanggagaling ang mga negatibong issue tungkol sa kanila ni Angelica Panganiban. Kasabay nito sinabi niyang grabe na ang ginagawang paninira sa kanila ng ilang entertainment writers.

Sa isang showbiz event, natanong si Lloydie kung ano na ba talaga ang estado ng relasyon nila ni Angelica dahil kung anu-anong masasamang balita na nga ang naglabasan nitong mga nakaraang linggo, kabilang na diyan ang diumano’y lagi nilang pag-aaway dahil sa matinding selosan.

Ayon sa aktor, sobrang nakaka-offend na ang mga nababalitaan at nababasa niya sa mga tabloid tungkol sa relasyon nila ni Angelica, na aniya’y puro gawa-gawa lang ng ilang taong walang magawa sa buhay.

“Right now, my life has never been better. Kahit naman in the past months, wala namang isyu talaga. You know, ‘yong sa amin ni Angelica na pilit ginagawan ng isyu, nakakasawa na nga,” pahayag ng aktor.

Hirit pa ng binata, “You know, minsan kasi hindi na kami ang gumagawa. Minsan media na ang gumagawa. Minsan, nagtataka ka kung saan nanggagaling.

Wala naman talaga kaming problema pero kapag iniinterbyu kami…sobra talagang walang problema. “Sobrang we get along, pamilya namin walang problema.

I mean, walang rason talaga na maging magulo,” chika pa ni Lloydie na halatang napipikon na rin sa patuloy na paglabas ng mga malilisyosong balita tungkol sa kanila ng kanyang girlfriend.

Sey pa ng aktor, “May mga taong nag-aalala for us, may mga fans na nag-aalala. And mind you, ang tao, especially ‘yong mga nagbabasa ng tabloids, kung ano ‘yong pini-feed mo sa kanila, every day pini-feed mo, sometimes naniniwala sila, e.

“So, parang dapat mas ma-exercise ‘yong kung ano’ng klase ng journalism ba ang kailangan, kasi parang hindi na rin maganda. In a way, parang nagbabayad kami sa mga maling balita na ipinapakalat ng mga tao.

“Kagaya ninyo, tao rin kami na may family, may family abroad, na kapag nakarinig ng mga balita na hindi maganda, nag-aalala. So, that’s weight on us, on our shoulders,” tila may tampo pang pahayag ng Kapamilya leading man.

Wala namang sinabi si Lloydie kung may plano siyang magsampa ng demanda laban sa mga nagpapakalat ng maling balita tungkol sa kanila ni Angelica.

Read more...