KRIS sunod-sunuran, walang kinontra sa mga kagustuhan ni JAMES para kay BIMBY

INASAHAN na ng King of Talk na si Boy Abunda na uuriratin siya ng media na um-attend sa press launch ng Batadine@Feminine Wash (ang Backroom artist na si Bianca Gonzalez ang napiling celebrity endorser nito) sa usaping Kris Aquino at James Yap.

Kababa lang kasi that time ng decision ukol sa visitation rights na hinihingi ni James para sa sa anak nila ng Queen of All Media na si Bimby. Pero gustuhin mang magsalita ni Kuya Boy sa mga nalalaman niya, e, ‘di pwede dahil nga sa ibinabang gag order ng korte sa parehong kampo ng estranged couple. Bagaman may lumabas na namang artikulo sa kampo ni James at abogado niyang si Atty. Lorna Kapunan.

“Hindi sila (Kris and James) puwedeng magsalita sa media at kung hindi sila puwedeng magsalita, pati ‘yung mga kaibigan at spokespersons yata, hindi ko alam kung saang category ako. It’s very difficult because I don’t know what I can say and what I cannot say, I’ll be very honest dahil batas na ang pinag-uusapan, e,” lahad ni Kuya Boy.

Diretso namang sinabi ni Kuya Boy na may nalalaman siya sa naging desisyon ng korte sa visitation rights na hinihingi ni James. Pero ‘yun nga, ‘di siya pwedeng magsalita, “Basta sa aking pagkakaalam, at sinabi ‘to ni Kris in one of her interviews, ‘Walang nanay ang hindi magnanais na makasama ang kanyang anak ng kanilang ama lalo na ‘pag siya’y buhay pa.’

So, ang aking interpretasyon is, walang resistance si Kris doon sa visitation rights at doon sa desisyon ng korte na ayusin itong relasyon na ito between a former couple. That’s how far I would go siguro,” pahayag ni Kuya Boy.Natawa naman si Kuya Boy nang tanungin siya ng writer na si Alwyn Ignacio kung nasubukan na niyang gumamit ng feminine wash in his entire life, “You answer that first,”   ngiti niya.

Then of course, kinuha ang paliwanag ni Kuya Boy sa kumakalat na tsikang tatakbo siyang Governor ng Eastern Samar sa 2016, “Nasabi ko lang naman sa isang interbyu that, for the first time in my life, may posibilidad.  I’m entertaining the possibility dahil it’s time to give back.

Kung kakayanin, maraming factors, maraming considerations, pero pinag-iisipan. If I can get into politics it is for executive position. Maaari, pero hindi ako sigurado. Maaaring governatorial post sa  Eastern Samar in 2016. But how sure is it? Depende sa maraming bagay,” esplika niya.

Pero hindi raw niya masabi kung ilang percent ang posibilidad na sure na sure na ang pagpasok niya sa politika sa 2016.
“Pag-iisipan nang mabuti. Kasi dati I used to avoid it, I used to deny it. I used to shy away from the topic. Ngayon hindi.

Hinaharap ko at saka isa pang importante bagay, sa aking pamilya ako lamang ang hindi pumasok  sa politika. Ang aking  ina, ang aking ama, ang aking sister who is currently the City Mayor of  Borongan, lahat sila ay involved sa politika.

Ako naman, e, sinabi ko nga, I don’t know, is it the time for me to serve? Nag-uumpisa na akong magtanong. So, kung saan ako dalhin, I am open,” diin ng host ng The Buzz at The Bottomline.

Read more...