Naaalala n’yo pa ba ang lotto combination na 07-05-12-17-04-18

MICHAEL V

Walong taon na palang umeere ang weekly sitcom na Pepito Manaloto ni Michael V. Naalala n’yo pa ba ang pilot episode nito kung saan napanalunan ni Pepito ang mega jackpot sa lotto na P700 million?

Sa isang report ng GMA binalikan ang pagsisimula ng programa, kabilang na ang winning moment ni Bitoy bilang si Pepito. Dito inalala ni Michael V ang winning lotto combination na kanyang tinayaan. Ito ang mga sumusunod: 07-05-12-17-04-18.

Mula nga noon, hindi na natinag sa rating ang sitcom nina Bitoy at Manilyn Reynes na walong taon na ngayong namamayagpag sa telebisyon tuwing Sabado ng gabi sa GMA.

Read more...