Kampo ni MARIAN gumastos daw nang malaking halaga para masigurong maging number one sa FHM

Fair and square ang pagkakapanalo ni Marian Rivera sa FHM. First off, masayang nagbalita si Mother Lily na kumita ang latest movie niyang “My Lady Boss” starring Marian and Richard Gutierrez co-produced with GMA Films.

Remember hanggang ngayon, hindi ayos sina Mother Lily and Marian kahit ano pa ang sabihin ng mga nagtatago ng balita dahil otherwise darating sa premiere night ng movie si Mother Lily and yet she’s absent.

Ngayon, for her to report na good ang box-office ng “My Lady Boss”, may big truth dito dahil otherwise sasabihin niya ang totoo na hindi ito kumita at keber niya lang.

Ikalawa, very funny naman ang nababasa namin about Marian’s winning sa 2013 Sexiest Women in the World poll of FHM na kesyo kampo lang ni Marian ang gumasta for her to win.

Wisely, FHM released the final tally of the top ten stars at inilabas nila pati ang breakdown of voting from the number of votes na nakuha ng isang artista via online voting (sa FHM website), ang mga nakuha nila sa SMS (or texting) and sa balloting (that na nakukuha sa actual na pagbili ng magazine) and Marian really won hands down and yes, the others also paid for their positions.

Marian got a total of 890,490 votes, 830,754 of this is from online voting (the highest), 59,505 sa SMS and 231 sa ballots (again the highest). Pumangalawa nga si Sam Pinto at ikatlo si Angel Locsin.

Read more...