PH wagi ng silver sa sepak takraw world championships

NAKAPAG-UWI ng isang pilak at tatlong tansong medalya ang Pilipinas mula sa  2018 King’s Cup Sepak Takraw World Championships na ginanap kamakailan sa  Nakhon Rachasima, Thailand.
Kahit pa mga baguhang atleta ang pinadala rito ng bansa ay nakipagsabayan pa rin ang mga Pilipino laban sa mga manlalaro ng 31 iba pang bansa sa torneyo.
“We have tapped new athletes purely for exposure, but we still ended up with good results,’’ sabi ni Pilipinas Sepak Takraw Association Inc. president Karen Tanchanco-Caballero.
Ang pilak na medalya ay nakuha ng PH women’s team sa premier hoop category at ang  tatlong tanso ay mula sa PH men’s squad sa premier hoop, regu at team regu.
“It was a great showing for our sepak takraw players despite having a new lineup. Again, they made our country proud,’’ saad naman ni Go For Gold top executive Jeremy Go na sumuporta sa kampanya ng koponan sa Thailand.
Ang PH women’s squad ay binubuo nina  Mary Melody Taming, Abegail Sinogbuhan, Gelyn Evora, Josefina Maat, Jean Marie Sucalit, Jea Mae Pepito, Jocielle Fernandez, Aisa Sabellita, Allyssa Bandoy at Lhaina Lheil Mangubat.
Kabilang naman sa PH men’s team sina  Rheyjey Ortouste, Ronsited Gabayeron, Emmanuel Escote, Joshua Gleen Bullo, Alvin Pangan, John Carlo Lee at John John Bobier.
Kasama rin sina  John Jeffrey Morcillos, Joeart Jumawan, Nestleer Bandivas, Christian George Encabo at Regie Reznan Pabriga.

Read more...