“People: I have not resigned. Thanks!” sabi ni Roque sa isang text message sa mga miyembro ng Malacanang Press Corps (MPC).
Idinagdag ni Roque na naka-leave lamang siya simula kahapon para sa isang biyahe sa China at nakatakdang bumalik sa Lunes (Oktubre 15).
Kasabay nito, itinanggi ni Roque ang pahayag ng Kabayan partylist na hinihingi niya ang nominasyon ng dating partylist kung saan siya dating naging kinatawan.
“Absolutely false,” giit ni Roque.
Kasabay nito, inamin ni Roque na wala pa siyang desisyon kung tatakbo bilang senador.
“Still not sure I will run for Senate,” dagdag ni Roque.
Nauna nang inihayag ni Pangulong Duterte na nakatakda niyang italaga si Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo bilang bagong Press Secretary.
Kinumpirma naman ni Panelo na nakatakda niyang palitan si Roque bilang presidential spokesperson.
Tumanggi namang magkomento si Roque sa pahayag ni Panelo.
“I will defer any comment until Monday since I am in China,” sabi ni Roque.