Derrick, Juancho tinuhog si Sanya sa ‘Wild And Free’, ‘nagpatigasan’

SANYA LOPEZ AT DERRICK MONASTERIO

 

GRABE! As in grabe pala talaga ang mga sex scenes nina Derrick Monasterio at Sanya Lopez sa sex-drama-romance movie ng Regal Entertainment na “Wild And Free”.

Nabigyan kami ng chance na mapanood ang pelikula sa ginanap na premiere night nitong nakaraang Martes sa SM Megamall Cinema 7.

In fairness, talagang sinuportahan ng mga Kapuso stars ang launching movie nina Sanya at Derrick.

Present sa red carpet premiere ng “Wild And Free” ang kapatid ni Sanya na si Jak Roberto kasama ang girlfriend na si Barbie Forteza, Jeric Gonzales, Thea Tolentino, basketball player Ricci Rivero, Mikoy Morales, David Licauco, Addy Raj at marami pang iba.

Naroon din ang iba pang members ng cast tulad nina Ash Ortega at Juancho Trivino, at siyempre ang direktor nilang si Connie Macatuno.

Nagsimula ang kuwento ng “Wild And Free” nang muling magkrus ang landas ng dating magdyowang sina Ellie (Sanya) at Jake (Derrick). Si Ellie ang TNVS driver (transport network vehicle service) nang na-book na sasakyan ni Jake. Siyempre, nagkagulatan ang dalawa sa muli nilang pagkikita makalipas ang ilang taon.

Simula pa lang ay may pasabog na agad ang pelikula kung saan ipinakita ang pagse-sex nina Sanya at Derrick sa loob ng kotse. Talagang sigawan at palakpakan ang fans ng dalawang Kapuso stars na nasa loob ng sinehan.

Hindi lang isa, dalawa o tatlo ang maiinit at palabang eksena ng dalawang bida, kung hindi kami nagkakamali, mahigit pa ito sa lima.

At hindi lang pala si Derrick ang naka-love scene ni Sanya sa “Wild And Free”, meron din siyang pasabog kasama si Juancho Trivino na parang adik na adik sa sex sa kuwento.

Tama ang sinabi ng direktor ng movie na si Connie Macatuno, hindi lang ang mga nakakalokang intimate scenes nina Sanya at Derrick ang pambenta nila sa pelikula kundi ang kuwento nito at ang ipinakitang akting ng kanyang mga artista.

Hinog na hinog na nga sina Derrick at Sanya, nabigyan nila ng hustisya ang kanilang mga karakter. Saktung-sakto ang timpla ng akting, natural na natural at hindi OA.

Maraming highlights ang pelikula, gustung-gusto namin si Sanya sa mga moments na naguguluhan na siya sa relasyon nila ni Derrick. Isa na rito ang confrontration scene nila ng aktor dahil sa matinding pagseselos nito.

Winner din ang drama moment ni Derrick with Cheska Diaz, ang gumaganap na nanay niya sa pelikula.

Isa pang eksena ni Derrick na tumatak sa amin ay nang mapanood ang sex video nina Sanya at Juancho.

Siguradong makaka-relate rin ang manonood sa dami ng hugot ng pelikula, lalo na kung sakal na sakal ka na sa karelasyon mo. Dapat n’yo ring abangan ang big twist sa movie na siyang magiging conflict ng istorya.

Showing na ngayon ang “Wild And Free” sa mga sinehan nationwide na tumanggap ng Grade B ng Cinema Evaluation Board at binigyan naman ng R-13 ng MTRCB.

Read more...