KINARIR ni Jason Abalos ang pagganap bilang bading sa bagong afternoon series ng GMA na Asawa Ko, Karibal Ko na magsisimula na sa Oct. 22 after Eat Bulaga.
Isang matinding challenge ang hinarap ng Kapuso actor sa nasabing serye dahil first time nga niyang gaganap na transgender.
“Nahirapan ako kasi siyempre ‘yung puso ng lalaki kabisado ko na yan eh. Pero ‘yung puso ng babae ang hirap gawin, hindi mo alam kung paano mo gagawin ‘yung emosyon nila. May mga ibang babae na mabilis magtampo, meron namang parang pusong bato.”
Hirit pa niya, “Tayo naman bilang artista nandoon tayo sa masaya tayo na nacha-challenge tayo.”
Magkakaroon din daw sila ng kissing scene sa serye ng Kapuso hunk na si Matthias Rhoads, “Meron, so abangan niyo yan. Hindi n’yo kakayanin. Ha-hahaha!”
“First time ko, kasi ngayon lang din ako gumawa ng ganitong role,” aniya pa.
“Masaya ako na ipinagkatiwala ito sa akin kasi sobrang hirap,” sey pa ng binata.
Dagdag ni Jason, ingat na ingat sila sa bawat eksenang ginagawa nila sa Asawa Ko, Karibal Ko para hindi maka-offend ng kahit sino habang ipinapakita ang struggle ng isang closeted gay man at transgender women.
“Maingat ‘yung show kasi hindi kami puwedeng maka-offend ng kahit sino, kahit sa pagsuot ng mga damit at paglalakad, pati pagkilos. Binusisi po nila yan. Pati ‘yung mga linya at ‘yung pakikipag-interact,” ani Jason.
Bibida rin sa Asawa Ko, Karibal Ko sina Kris Bernal, Rayver Cruz, Thea Tolentino, Lotlot de Leon, at marami pang iba, sa direksyon ni Marck Sicat dela Cruz.