Ramdam mo na ba? Kung hindi ay iba ka.

TUMAAS nanaman kahapon ang presyo ng gasolina at diesel. Malayo na ito sa presyo nang umupo si Pangulong Duterte sa Malacanang noong Hulyo 2016.

Ayon sa price monitoring ng Department of Energy, noong Enero 2018 ang presyo ng gasolina ay P47.35 hanggang P50.60 kada litro depende kung anong klase ang ikakarga mo. Ang diesel naman ay P37.15 kada litro.

Noong Enero 2017, ang gasolina ay nagkakahalaga g P41.40 hanggang P47.55 kada litro. Ang diesel naman ay P27.85 hanggang P30.90 kada litro.

Natatakot ang marami na baka dumoble na ang presyo ng diesel mula ng umupo si Pangulong Duterte.
Marahil ay hindi ka direktang apektado dahil wala ka namang sasakyan. Hindi ka pumipila sa murang gasolinahan para makatipid ng konti.

Pero tiyak na ramdam mo naman ang pagtaas ng presyo ng bilihin. Ang mga paninda na dinadala sa tindahan at palengke ay isinasakay sa sasakyan. Kung mahal ang gastos nila sa diesel o gasolina, ipapatong nila ito sa kanilang paninda, kaya sapul ka rin. Tinatamaan ka rin ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Ang presyo naman ng liquefied petroleum gas ngayong buwan ay P645.85 hanggang P865.85 kada 11-kilong tangke. Malayo ito sa presyo noong Disyembre 2017 na 550 hanggang P777 kada tangke.

Kahit naman ang kerosene ay mahal na rin. Kung uling ang gagamitin mo ay konti na lang ang laman ng plastik kapag bumili ka.

Kung gagamit ka naman ng kahoy ay mahirap ng maghanap ng panggatong. Gastos din kung bibilhin mo ito.

Marami ang nae-enganyo na tumaya sa Ultra Lotto 6/58. Pano ba naman ang laki-laki na ng jackpot prize. Isang bilyon na.

Sino ba naman ang ayaw ng P1B?

Ang 6/58 ay mayroong 40.4 milyong kombinasyon. Kung 40.4 milyon ang anim na numerong kombinasyon na mabubuo, sa presyong P24 kada anim na numero gagastos ka ng mahigit P971 milyon para matayaan mo ang lahat ng numero.

Hindi mo maiuuwi ng buo ang P1 bilyong premyo kasi babawasan ito ng 20 porsyentong buwis, alinsunod sa TRAIN law (Tax Reform for Acceleration and Inclusion).

Bale P800 milyon ang magiging take home mo. Lugi ka pa ng halos P200 milyon kaya kahit mayaman ka ay hindi mo tatayaan ang lahat ng numero.

At napakamalas mo naman kung hindi ka solo winner. Kung bukod sa iyo ay mayroong makaka-tyamba at mananalo ng jackpot, hati kayo sa premyo.

Kaya lalong lalaki ang mawawala sa iyo.

Read more...