Pangulong Duterte walang cancer- SAP Bong Go

INIHAYAG ni Special Assistant to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na cancer-free naman si Pangulong Duterte matapos naman sumailalim muli sa endoscopy at colonoscopy.

“He’s healthy. He’s okay. He’s cancer-free,” sabi ni Go sa isang panayam sa Malacanang.

Ito’y sa harap naman ng mga katanungan kaugnay ng tunay na kalusugan ni Duterte.

Matatandaang sumailalim muli si Duterte sa endoscopy at colonoscopy noong isang linggo, dahilan para hindi makadalo sa ilang iskedyul. 

Lumabas sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na nababahala ang marami sa tunay na estado ng kalusugan ng presidente. 

Read more...