Muling kinilig ang fans nina Kris Aquino at Quezon City Mayor Herbert Bautista matapos mag-post ang Queen of Social Media ng litrato nila together sa Instagram.
Nabuhay uli ang pag-asa nila na magkabalikan ang dalawa at baka sila nga ang itinakda ng tadhana sa kabila ng mga pinagdaanan ng kanilang relasyon. Narito ang kabuuan ng caption ni Kris sa IG photo nila ni Bistek.
“Admittedly in 2014 HAPPILY EVER AFTER wasn’t meant for us. BUT it wasn’t THE END. He’s been there whenever i needed a friend, hindi na ko nagulat- nandito sya ngayon… Bakit sya? This is my WHY: nabasa nya mismo my long term endorsement contracts- renewals plus 3 new ones.
“They all strongly discourage me from divisive political participation & even posts. He wants me to regain my health & he supports my priorities. Ako nang magsasabi, when we fought nasumbat ko na: naging 1st daughter & 1st sister na ko- di mo ba na appreciate na ikaw ang minahal & di yung posisyon mo?
“Binweltahan nya ko: kaya nga ang hirap mong maging karelasyon kasi pinaghirapan ko ‘to tapos user ang ibabato sa kin? I chose to share this because our story has my perspective & his point of view. i’ve survived a lot recently & you deserve our TRUTH. (Pic from dinner w/ friends from the US).”