NADAMAY na rin sina Karen Davila at Bianca Gonzales sa kontrobersyang kinasasangkutan ngayon ng Star Patroller na si Gretchen Fullido matapos magsampa ng kasong sexual harassment at libel sa ilang katrabaho sa ABS-CBN.
Ilang netizens ang nagkomento na bakit daw parang dedma sina Karen at Bianca tungkol sa pagdedemanda ni Gretchen laban sa dating ABS-CBN News executive na si Cheryl Favila at sa ABS-CBN News segment producer na si Maricar Asprec.
Bukod dito, kinasuhan din ng libel ni Gretchen ang broadcast journalist na si Ces Drilon, news executive Venancio Borromeo at entertainment news reporter Marie Lozano.
Tinawag ng bashers sina Bianca at Karen na mga ipokrita dahil sa pananahimik sa isyu ng mga kasamahan nila sa ABS-CBN, kilala raw kasi sila sa pagbibigay ng matapang na opinyon, lalo na sa mga usapin hinggil sa karapatan ng mga kababaihan.
Nitong nakaraang weekend, nag-post sina Karen at Bianca sa sexual harassment complaint ni Gretchen,
Tweet ni Karen, “NO to SEXUAL HARASSMENT. NO to any form of VICTIM SHAMING. Without prejudice to any of my colleagues, these values are eternal to my person.”
Isang follower din niya sa Twitter ang sinagot ni Karen na nagsabing “inviting” daw kasi ang pananamit ni Gretchen lalo na sa TV Patrol.
Pagtatanggol ni Karen, “A woman’s wardrobe or how she looks for that matter can never be cited as a reason for sexual harassment or a sexual crime. I am not fully aware on details of the case but wanted to correct you on this one item.”
For her part, humanga si Bianca sa tapang at paninindigan ni Gretchen, “Hanga ako sa tapang ni Ms. Gretchen Fullido. Sana’y lumabas ang katotohanan sa kaso at mabigyan ng hustisya.
“Nakakalungkot na may taong ginagawa itong isyu ng babae laban sa babae. Sa sitwasyon na ito, puro babae at LGBTQ ang involved, kaya sensitibo talaga.”
“Yes, women should support women. But when its women involved in both sides, nawawala ang ‘babae ako’ at nagiging ‘babae tayo’. Mahirap. Ang mga involved lang ang tunay na nakakaalam ng katotohanan. But still, we do our best so that women support women.”