Dimples Romana kakaibang impakta sa ‘Kadenang Ginto’

DIMPLES ROMANA

Ibang-ibang Dimples Romana ang mapapanood sa bagong TV series na Kadenang Ginto.

If she was the cool Babaylan in Bagani, this time around isang bitch na anak ni Albert Martinez si Dimples. “Impakta” raw siya sa bagong Kapamilya series.

“Siguro after working for so many years as a Kapamilya, siyempre gusto mo rin ng variety, ‘yung may bago kang ginagawa. And the best way to do it is to make it a 360 degree kind of change na parang ibang-iba ka talaga para meron ka ring maio-offer na bago,” she explained.

Bongga ang sampalan scenes ni Dimples with Beauty Gonzalez. Parang tinotoo nila ang pagsasampalan.

“Yes, we rehearse it and we talk about it. May mga dynamics naman po, may cue naman. Inuulit po namin ‘yun to get a different angle,” she said.

Happy naman si Dimples na isang bagong character ang kanyang role sa Kadenang Ginto na talagang malayung-malayo sa role niya sa Bagani.

“I guess I really enjoyed both. It was the dynamics of the character. This time, real naman, nangyayari talaga. Parang it was something a blessing for me to play both Babaylan and this character,” she added.

Sa trailer na napanood namin during the mediacon, marami na agad ang nabwisit kay Dimples dahil sa kasamaan ng kanyang character.

Talagang pahihirapan at gagawin niyang miserable ang buhay ni Beauty dahil sa pagiging malapit nito sa kanyang father na ginagampanan nga ni Albert. Aside from that, lalandiin at aagawin din niya ang lalaking pinakmamahal ni Beauty na gagampanan naman ni Adrian Alandy.

Read more...