Bb. Pilipinas Intercontinental 2017 waging Miss World PH 2018

KATARINA RODRIGUEZ

“Recycled” ang tinanghal na Miss World Philippines 2018 – si Katarina Rodriguez.

Winner na si Katarina ng isa sa major titles nang sumali siya sa nakaraang Bb. Pilipinas (Miss Intercontinental). Luhaan nga lang siya nang lumaban na sa international pageant dahil hindi niya nasungkit ang korona.

Wagi naman si Alyssa Muhlach-Alvarez bilang Reina Hispanoamericana na unang napanalunan ni Winwyn Marquez. Nanalo naman bilang 1st Princess ang Regal Baby na si Channel Morales.

Nanalong Miss Eco-Philippines si Maureen Montagne at si Kimi Mugford ang Miss Multinational. Second Princess naman si Pearl Hung.

Anyway, ang panlaban natin sa Miss Universe na gagawin sa Thailand ngayong Disyembre ay si Catriona Grey na winner din bilang Miss World PH 2017.

Read more...