BUONG ningning na ibinandera ni Maine Mendoza sa nakaraan niyang tweet na ubos na ubos ang stocks ng kanyang lipstick shade na inilabas sa tindahan ng global cosmetic brand sa buong bansa!
“COMPLETELY SOLD OUT NATIONWIDE????!!!! Waaaahhh thank you guys!!! What a time to be alive,” tweet ni Meng.
Ang susunod na inaabangan ng fans ni Meng ay ang paglabas ng kanyang debut album and of course, ang upcoming sitcom niyang Daddy’s Gurl na magsisimula na sa Oct. 14.
Sa TV plug ng nasabing Kapuso show, sumabak sa dubsmash sina Vic Sotto, Maine, Wally Bayola, Oyo Sotto at iba pang supporting cast sa pamamagitan ng isang MTV, huh!
MOST READ
LATEST STORIES