Maymay muling ibinandera ang magic at karisma sa rampahan

Muling pinatunayan ni PBB Lucky Season 7 Big Winner Maymay Entrata ang kanyang kakaibang magic at karisma pagdating sa rampahan.
Hinangaan at pinalakpakan nang bonggang-bongga ang dalaga nang rumampa sa nakaraang Mega Fashion Week. Talagang agaw-eksena ang slim body at towering height ng Kapamilya star.
Sa kanyang Instagram account, nag-post si Maymay ng kanyang photo kung saan model na model ang kanyang aura. Nilagyan niya ito ng caption na: “Maging Mapanuri, Mapagmatyag, Mapangahas. Eto po si Maymay MATANGLAWIN! Hahaha!”
Libu-libong likes at comments ang nakuha ng IG photo ni Maymay mula sa kanyang supporters pati na rin sa mga kapwa Kapamilya celebrities.
At siyempre, hindi rin nagpatalbog ang ka-loveteam niyang si Edward Barbers na equally-gorgeous din na rumampa sa nasabing fashion event. Bukod sa MayWard, nagpakitang-gilas din sa runway sina Nadine Lustre, Laureen Reid at marami pang iba.

Read more...