Bong proud na proud sa 3 anak, pinuri sa trilogy na ‘Tres’

BONG REVILLA

Star-studded ang ginanap na premiere night ng pinag-uusapang action-packed trilogy film ng tatlong anak ni former Sen. Bong Revilla Jr. na sina Jolo, Luigi and Bryan Rivera, ang “Tres” na showing na ngayon sa more than 100 cinemas.

Ang astig ng “Virgo” episode ni Bryan, matapang naman ang “Amats” ni Luigi at aksyon na aksyon ang kay Jolo na “72 Hours”.

Kumpleto ang Revilla clan sa premiere night headed by the original Agimat King na si former Sen. Ramon Revilla, Sr. Siyempre, nandoon ang Mayora ng Bacoor City at ina nina VG Jolo at Bryan na si Lani Mercado, pati ang ina ni Luigi na si Lovely Guzman.

Wala man doon physically si Bong parang nandoon na rin siya sa mga papuri sa kanya ng tatlo niyang anak. And after watching “Tres,” Bryan, Luigi and Jolo really made their Papa Bong very, very proud.

At siyempre, dasal pa rin ng magkakapatid na makalabas na ng PNP Custodial Center ang ama. Hindi pa alam nang nakararami kung paano isinagawa ni dating DOJ Sec. Leila de Lima, sa tulong ng dating Ombudsman Conchita Carpio Morales at Commission on Audit Grace Pulido Tan ang inaangal ni Jinggoy Estrada na “selective justice.”

Read more...