True ba, Liza Diño tatakbong senador sa 2019?

LIZA DIÑO

Pinangunahan ni FDCP Chairperson Liza Dino ang delagasyon ng Pilipinas sa 23rd Busan International Film Festival na nagsimula na last Wednesday. Iha-highlight ang Philippine Cinema sa iba’t ibang activities and events during the festival.

Kabilang sa mga naglalakihang artista natin ang inaasahang dadalo sa nasabing filmfest gaya nina Piolo Pascual, Christopher de Leon, Sandy Andolong, Joel Torre at marami pang iba. Kasali ang kanilang mga pelikula sa 10 Pinoy classic films na ipalalabas sa special program ng festival entitled “Cinema As A Response To The Nation.”

Ang mga pelikulang napili ay ang “A Portrait of the Artist as Filipino” mula sa direksyon ni Lamberto Avellana (1965); “Ganito Kami Noon, Paano Kayo Ngayon?” ni Eddie Romero (1976); “Tatlong Taong Walang Diyos” ni Mario O’Hara (1976); “Ang Panday” ni Fernando Poe, Jr. (1980).

Nandiyan din ang “Cain At Abel” ni Lino Brocka (1982); “Moral” ni Marilou Diaz-Abaya (1982); “Himala” ni Ishmael Bernal (1982); “Bayaning 3rd World” ni Mike De Leon (2000); “Dekada ‘70” ni Chito Roño (2002) at “Ang Damgo ni Eleuteria” ni Remton Siega Zuasola (2010).

Bukod sa mga nabanggit na pelikula, may lima pang Pinoy films na ipalalabas sa “A Window On Asian Cinema Section” na simultaneously ginaganap during the film festival. Kabilang na rito ang umani ng Special Jury prize sa San Sebastian International filmfest na “Alpha: The Right To Kill” ni Brilllante Mendoza starring Allen Dizon.

Sa Busan filmfest din magaganap ang world premiere ng “Journey” na idinirek nina Brillante, Lav Diaz at Kidlat Tahimik.

When asked kung lahat ba ng pagsisipag niya bilang FDCP chairperson ay dahil may balak siyang tumakbo sa darating na 2019 elections, mariing tumanggi si Chair Liza.

“Hinding-hindi po. Siguro po when I say it’s going to and, it’s not, forever, kumbaga, I will be here as long as I can serve the industry no plans of running in Senate or sa 2019,” lahad niya.

Ngayon pa lang daw sila nag-uumpisa sa paggawa ng policy and proposals ng FDCP at magla-lobby sa Congress at Senate.

“Policies na pwede po talagang makatulong sa industriya natin. Kasi, ‘yung two years po namin was basically, reintroducing FDCP, coming out with programs, responding to the needs,” diin pa niya.

Read more...