Kinasuhan ni Fullido ng sexual harassment sina Cheryl Favila, dating ABS-CBN News executive, at Maricar Asprec, ABS-CBN News segment producer.
Sa kanyang reklamo, sinabi ni Fullido na pinadalhan siya nina Favila at Asprec ng mga text message na puno ng “sexual innuendos which amounted to requests for sexual favors.”
Pero nang tumanggi umano siya sa nais ng dalawa ay pinahirapan siya ng mga ito upang magampanan ang kanyang trabaho.
“It was a cycle that (went) on for almost three years,” aniya.
Inasunto naman ni Fullido ng libel ang mga news executives na sina Cecilia Drilon at Venancio Borromeo, atvnews reporter na si Marie Lozano, dahil sa paninira umano ng kanyang reputasyon nang sabihin ng mga ito na nais lamang niyang umangat ng posisyon kaya niya inireklamo sina Favila at Asprec.
Idinagdag ni Fullido na na-victim shame din siya ni Drilon nang sabihin umano nito na dapat lang siyang ma-harass dahil sa mga pagpapaseksi niya sa TV Patrol.
Noong nakaraang Hulyo 16 ay ibinasura ng ABS-CBN management ang kasong sexual harassment laban kay Favila pero napatunayan itong nagkasala sa gross misconduct na nagresulta sa pagkakatanggal sa kanya sa kumpanya kamakailan.
Si Fullido ang unang news celebrity na nagsalita kontra sexual harassment sa industriya ng pagbabalita sa bansa.
ABS-CBN execs inireklamo ng sexual harassment, libel
MOST READ
LATEST STORIES
Read more...