If it’s cancer, it’s cancer-Du30

KINUMPIRMA ngayong gabi ni Pangulong Duterte na hindi siya nakadalo sa ilang opisyal na iskedyul kahapon matapos namang pumunta sa Cardinal Santos Medical Center sa San Juan City para sumailalim muli sa endoscopy at colonoscopy.

“Three weeks ago, I had my endoscopy and colonoscopy. Then I was about to have sana ngayon yung Cabinet meeting yesterday. But yung reading ng aking, somebody advised my doctor to repeat and get some samples there. Both dito ulit. So, I stayed there for one hour sa Cardinal Santos,” sabi ni Duterte sa talumpati matapos naman ang dinner para sa mga miyembro ng Philippine Military Academy Alumni Association, Inc. sa Malacanang.

Kahapon, nabigo si Duterte na dumalo sa ilang opisyal na iskedyul bagamat nabigong magbigay ng rason ang mga opisyal.

“If it’s cancer, it’s cancer. It it’s third stage no more treatment. I will no longer prolong my agony in the office,” dagdag ni Duterte.

Read more...