BANDERA (B): Grabe na ang ganda ng katawan mo, totoo bang halos hindi ka na kumakain para lang ma-maintain mo ang iyong timbang ngayon?
ALJUR ABRENICA (AA): Hindi naman sa hindi na kumakain. Actually, two to eight times a day pa akong kumakain ngayon, pero paunti-unti lang. It’s still a form of diet. Ang madalas kong kinakain ngayon beef, tuna at manok. Tapos as much as possible wala nang rice. Tapos may araw na puro kamote lang. Basta bawal ang mamantika at matatabang food. Tsaka vitamins siyempre.
B: Paano mo name-maintain ‘yung fresh look mo? Hindi ka nagkaka-pimples, ang kinis-kinis ng balat mo? Ano ang beauty routine mo?
AA: Wala naman akong routine. Sa mukha, wala akong ginagamit na beauty products, natural lang. Basta hilamos lang, soap and water lang. Minsan nagpapa-facial lang, ganu’n lang.
B: Halos araw-araw may trabaho ka, kapag may free time ka, saan mo ito inuubos?
AA: Usually nagpapahinga. Tapos nagdyi-gym. Minsan naman nag-aaral ng script. Kapag medyo mahaba-haba ang oras nagbabasa ako ng mga novels, ‘yung mga sci-fi, suspense-drama.
B: Hindi ka na ba gumigimik ngayon?
AA: Madalang na madalang na, siguro, once in three months na lang. Pero kapag maraming panahon, twice a month. Pero kadalasan kasi, talagang nauubos sa work ang time ko, e. Pero no regrets. Mas nag-eenjoy ako kapag a trabaho.
B: Ano ang mga nami-miss mong gawin ngayong sobrang busy ka na sa showbiz career mo?
AA: Nami-miss ko talaga ‘yung paglabas namin ng mga showbiz friends ko. Clean fun naman ‘yun, walang bisyo-bisyo. Tsaka ‘yung pagba-basketball ko with my non-showbiz friends. Nami-miss ko rin ‘yung basta nasa bahay ka lang, tapos nood ng TV, DVD marathon.
B: May mga nagbago na ba sa ‘yo ngayon, or sa family mo ngayong sikat ka na?
AA: Merong nagbago, siyempre, kasi dati hindi kami magkakasama ng family ko sa isang bahay, malayo sila, tapos nandito ang trabaho ko. Pero ngayon magkakasama na kami. Mas naging close pa kami. Happy din kasi nase-celebrate na namin ‘yung mga okasyon na magkakasama kami. ‘Yun ang isang pagbabago na talagang ipinagpapasalamat ko sa Diyos.
B: Kumusta ang lovelife mo? Meron na bang nagmamay-ari ng puso mo?
AA: Lovelife? Wala. Wala po akong lovelife ngayon. Focus muna sa career. Wala pa talagang time para diyan.
B: Choice mo ba ‘yan? O baka naman pinagbabawalan ka ng GMA na magkaroon ng girlfriend para hindi masira ang focus mo sa trabaho?
AA: Ay, hindi po, choice ko po talaga ‘yun. Hindi naman nakikialam ang GMA sa personal na buhay namin. Wala pong ipinagbabawal ang GMA sa amin. Mas pinili kong maging single muna ngayon para hindi mahati ang attention ko. Mahirap po kasi talaga ‘yung sabay, may magsa-suffer talaga. So unfair kapag ganu’n. One at a time na lang muna para walang problema.
B: Sinu-sino pa ang gusto mong makasama sa next projects mo?
AA: Sa akin kasi, kahit sino ang makasama ko, ang importante, kung magagawa ko nang tama ‘yung ibibigay sa aking trabaho. Pero kung papipiliin ako kung sino ang gusto kong makatrabaho in the future, gusto ko pong makasama si Mr. Christopher de Leon at si Ms. Vilma Santos po.
B: Three sexiest female celebrities para sa ‘yo?
AA: Si Marian Rivera, Carla Abellana and Kris Bernal. Iba’t iba kasi ‘yung personality nila. For me, hindi lang sa katawan ang pagiging sexy ng babae, nasa personalidad din po.
B: Ano ang dream role mo? AA: Gusto kong magkaroon ng another Dapat Ka Bang Mahalin na role. Yung intense ‘yung character. Like hard-headed na tao, salbahe, ‘yung bida-kontrabida ang dating. Bad boy pero ‘yung mamahalin ka rin ng mga tao. Parang ‘yung mga ginagawa noon ni Mr. Robin Padilla, gusto ko rin kasing masubukan ‘yung action. Parang for me, ‘yun talaga ‘yung challenging.
B: Kailan ka last na nagalit?
AA: Matagal na, e. Kasi ako, kapag nagalit ako, pagkalipas ng ilang araw, okay na uli ako. Hindi kasi ako ‘yung tipo ng tao na nagtatanim ng galit. Ayoko kasi ng gulo, gusto ko peaceful environment, mas maganda lahat kaibigan mo, lahat okay sa ‘yo.
B: Umiiyak ka rin ba?
AA: Siyempre, umiiyak din ako. Pero hindi ko na maalala kung kailan ‘yung last. Of course, tao lang din naman ako. Pero hindi ako madaling paiyakin. Basta kapag nasa bahay ako, kapag nagpapahinga ka, tapos pumapasok sa isip mo lahat ‘yung mga bagay-bagay na nangyayari sa buhay mo, du’n mo naibubuhos lahat. Parang kapag nag-iisa ka kasi, du’n mo nari-realize yung mga nangyari sa ‘yo sa buong araw, naging masaya ka ba, o naging malungkot ka ba? Tapos kapag may naisip kang medyo kumurot sa puso mo, malalaman mo na lang naluluha ka na.
B: Importante ba sa ‘yo ang virginity ng isang babae?
AA: Sobra, sobrang importante para sa akin ‘yun. Huwag na nating i-elaborate pa kasi baka kung saan pa mapunta ang usapan. Hahahaha!
B: Tanong ng mga fans, pinasasakay at pinaaasa mo lang daw si Kris Bernal dahil ang totoo may iba ka ng mahal at ang babaeng daw ‘yun ang dahilan kung bakit hindi mo pa rin nililigawan si Kris?
AA: Ang unfair naman po nu’n para sa amin ni Kris. Sana hindi naman sila nagsasabi ng ganu’n. Maayos po ang samahan namin ni Kris, hindi po kami nagkakagalit, ginagawa namin lahat para masiyahan ang mga sumusuporta sa amin. Kaya sana po, kung ano po ‘yung meron kami ni Kris, igalang na lang po. Huwag naman po sana nilang sirain ‘yung samahan namin. Hindi mahirap mahalin si Kris, napakabait na tao, napakasipag a napakaresponsableng tao. Alam kong maraming naiinggit sa akin dahil sa posisyon ko ngayon kay Kris. Kaya sa palagay ko, ‘yung mga taong nagsasabi ng mg ganyan, mga wala lang magawa sa buhay.
B: Dahil sa paghuhubad mo sa TV at pelikula, siguradong mas marami pang bading ang mahuhumaling sa ‘yo, paano mo ito hina-handle, okay lang ba sa’yo na pagpantasyahan nila ang katawan mo?
AA: Okay lang naman. Kung saan po sila masaya, okay lang sa akin. Tsaka ‘yung paghuhubad ko naman po, para talaga sa mga fans ‘yun, kung ano po ‘yung gusto nila, binibigay ko lang. Hindi ko naman gagawin ‘to kung alam kong hindi naman nila gusto.
-interview ni eas,
BANDERA Entertainment, 011110
Naaliw ka ba sa interview kay Aljur? Mayroon ka bang gustong maka-one-on-one ng Bandera. Magkomento sa 0929-5466-802 at 0906-2469-969.