Jasmine, Gabbi nag-enjoy sa sampalan

JASMINE CURTIS AT GABBI GARCIA

Isa pa sa mga dapat abangan sa Pamilya Roces ay ang mga “buwis-buhay” na confrontation scenes sa pagitan ng mga bida at kontrabida sa serye. Kabilang na nga riyan ang sampalan nina Gabbi Garcia at Jasmine Curtis.

Ayon sa sister ni Anne Curtis, talagang pinaghandaan nila ni Gabbi ang kanilang mga “fight scene”, “Nag-prepare kaming dalawa. Nag-usap naman kami about it para pareho kami ng expectations from each other.

“And it was fun, actually. We only did it, I think once. And happy na naman si Direk Joel. And na-enjoy namin ni Gabbi pareho na panoorin yung playback.”

In fairness, maraming pumuri sa mga eksena ni Jasmine sa Pamilya Roces, in fact may mga nagkomento pa nga na mas magaling pang umarte ang dalaga kesa kay Anne at sigurado raw na magsa-shine nang husto ang bagong Kapuso star sa bagong primetime series ng GMA 7.

Ano ang feeling ngayong Kapuso na siya, “I was overwhelmed siyempre, kasi it’s such a huge cast, that means a lot of people na kailangan mong makilala, kailangan mong pakisamahan sa work, so, socially kasi, nao-overwhelm ako, may anxiety ako sa social gatherings kapag hindi siya work.”

Read more...