Rocco may pa-bukol sa ‘Pamilya Roces’, walang arte sa hubaran

ROCCO NACINO

MAS palaban at mas game raw sa pagpapaseksi ngayon ang Kapuso hunk na si Rocco Nacino.

Sa bagong primetime series ng GMA 7 na Pamilya Roces, siguradong magpipiyesta ang mga beking nagpapantasya at naglalaway sa binata. Sa trailer pa lang ng programa na ipinalabas sa ginanap na presscon kamakalawa ng gabi ay may mga patikim na si Rocco.

Gaganap si Rocco bilang karinyosong asawa ni Carla Abellana who will play the role of Crystal Rose. Sa teaser nga ng serye ay may pa-bakat agad ng kanyang “notes” ang Kapuso actor.

“Grabe, ba?! Kahit nga ako nagulat, e! Agad-agad talaga, di ba?” natatawang chika ni Rocco nang chikahin namin after ng presson.

“Siyempre, for the love of the show. And to show a different side of Rocco, na hindi lang ako pangdrama. Na nagta-tap na ako sa aking comedic timing. You’ll see a bolder Rocco here! Nnagpapakita na ng balat! At gumagawa ng mga eksena na tatatak sa mga Kapuso natin!” ani Rocco.

Sundot na tanong ng isang reporter, na-awkward ba si Carla sa pa-bukol niya? “Hindi naman! Ha-hahaha! Very professional naman siya!”

Hirit pa ni Rocco, “Natuwa ako sa kanya, kasi sa mga gusto kong gawin at ma-achieve sa eksena, talagang nakikitawa siya at sumusuporta sa gusto kong gawin. Kaya mas lalong nagiging successful yung eksena.
Unconsciously, mas nagiging nakakatawa.”

In fairness, mukhang promising ang Pamilya Roces, ha! At marami na ang nag-aabang sa pagsisimula nito ngayong Lunes sa GMA Telababad after Onanay (kapalit ng Inday Will Always Love You), base na rin sa mga nababasa naming post sa social media. Sa trailer pa lang daw ay tawa na sila nang tawa kaya hinding-hindi raw nila palalampasin ang pilot episode nito.

Ka-join din sa riot at nakakalokang serye na Pamilya Roces sina Roi Vinzon, Gloria Diaz, Elizabeth Oropesa, Christian Bautista, Andre Paras, Mika dela Cruz, Manolo Pedrosa, Snooky Serna, Ana Roces, Jasmine Curtis, Gabbi Garcia, Sophie Albert, Shaira Diaz at marami pang iba. Ito’y sa direksyon ni Joel Lamangan.

Read more...