Paul Lee napiling PBA Player of the Week


MATAPOS na maglaro para sa Gilas Pilipinas sa dalawang internasyonal na torneo, nagbalik si Paul Lee sa Magnolia Hotshots na hatid ang matinding paglalaro sa nakalipas na linggo.

Ang tinaguriang “Angas ng Tondo” ay nag-average ng 25 puntos, 3.5 assist, 3.5 steal at 2.5 rebound para tanghaling Cignal-PBA Press Corps Player of the Week sa period na Setyembre 24-30.

Ang 29-anyos na si Lee ay pinamunuan ang malupit na opensiba ng Magnolia laban sa Rain or Shine Elasto Painters na tinambakan nila, 92-76, noong Miyerkules.

Nagtapos si Lee na  may 22 puntos, pitong assist, apat na steal at dalawang rebound kontra Elasto Painters.

ng dating PBA Rookie of the Year ay sinundan naman ito ng game-winning basket para sa Magnolia na itinakas 109-108 pagwawagi kontra San Miguel Beer noong Linggo.

Si Lee,  na naglaro sa Jakarta Asian Games at FIBA World Cup Asian qualifiers nitong nakalipas na buwan, ay pinangunahan ang Hotshots sa ginawang 28 puntos na sinamahan din niya ng tatlong rebound at tatlong steal.

Read more...