Mega ginantihan si Gabby sa ‘My 40 Years’

GABBY CONCEPCION AT SHARON CUNETA

“HE gets what he deserves!” sigaw ng fans ni Sharon Cuneta para kay Gabby Concepcion na never ngang na-mention ni Mega nang pasalamatan na ang lahat ng mga nakatrabaho niya sa loob ng 40 years sa showbiz.

Sa ginanap na very successful anniversary concert ni Sharon, bukod tanging si Gabby nga lang ang nangdedma sa kanya. Kahit nga nang tawagin na niya sa stage si KC Concepcion na bunga ng pagmamahalan nila ni Gabo ay talagang hindi niya ito binanggit.

At para nga sa supporters ni Mega, deserve nga lang daw yun ni Gabby dahil sa mga nauna nitong pahayag hinggil sa supposedly reunion movie nila ni Shawie, at kulang na lang ay sabihin nitong hindi niya type makasama si Sharon at all. Gantihan ba ito?

q q q

Nakakatuwa ang ginawang tula ni John Lloyd Cruz para sa anak nila ni Ellen Adarna na si Elias.

Hindi man pinag-uusapan ngayon ang pagiging aktor ni Lloydie, kitang-kita naman sa mga social media posts nito ang pagiging very proud father at pagkakatagpo ng kanyang kaligayahan sa piling ng kanyang mag-ina.

Hindi namin kokontrahin ang kaligayahan na ito ng aktor dahil sadyang iba ang magic at kapangyarihan ng pagkakaroon ng anak.

Samantala, bilang pagpapatunay na hindi pa ready si Lloydie na sumabak uli o humarap sa kamera, marespeto nitong tinanggihan ang imbitasyon sa kanila ni Ellen para sa ABS-CBN Ball.

Read more...