Mister ni Rufa Mae atat na atat nang mag-artista ang anak


RUFA Mae Quinto revealed na her husband wanted their baby na mag-artista.

She was asked during the presscon ng 14th Cinema One Originals Film Festival kung payag siyang mag-artista ang daughter nila.

“Oo kasi alam mo ‘yung asawa ko, siya ang may gusto na artista ako pati anak namin. Gustung-gusto niya. Lagi niya akong tinatanong, ‘ano ba, di mo pinagko-commercial (ang anak natin)?’

“Sabi ko, ‘ako kaya muna ang bumalik. Kababalik ko pa lang, ‘di ba? Alangan namang unahan niya ang career ko,” say ni Rufa Mae na bida sa “Bagyong Bheverlyn” kasama si Edgar Allan Guzman. The movie is directed by Charliebebs Gohetia.

According to her, namana ng kanyang anak ang kanyang pagkakikay.

“Siya ang nagmana sa akin na parang Rufa Mae. Kasi nga siyempre nahahawa siguro kasi nakikita niya. May mga tawa siyang pang-sitcom. Namana niya talaga,” she said.

She also revealed na paalis-alis siya at ang kanyang baby ng bansa para makapiling sa US ang kanyang dyowa.

“Kakauwi pa lang namin noong Friday, so hindi pa naman kami hindi nagsasama ng matagal. Pero alam mo ‘yung feeling na pareho kaming busy. Parang nag-schooling siya.

“Hindi naman puwede na mag-aantay na lang doon, nakanganga kaming mag-ina. Kaya ngayon babalik kami. Doon kami magki-Christmas. Parang twelve days kami doon,” chika niya.

“Pero hindi naman ito forever. Parang may sini-set-up lang siya doon. Basta, hindi pa puwedeng sabihin kung ano siya. Basta, may ano siya sa government doon na hindi pa puwedeng sabihin,” dagdag niya.

Read more...