KAMI ang “bumulag,” kami rin ang magbibigay ng paningin.
Idinaan namin sa guess who ang aming item last Thurday (Oct. 4) tungkol sa isang magkapatid, one of whom is from showbiz na on the 11th hour ay may political surprise.
Maugong kasi sa aming lugar sa Pasay City ang tsismis na magsu-switch si Sharon Cuneta at ang kanyang Kuya Chet in the mayoral post.
Simply put, Chet will give way to Sharon who—based on local surveys—is a shoo-in against the opponents.
Agad naming kinontak si Chet for his side bagama’t bantulot kami, trying to figure out a nice way of fishing the truth.
“O, Ron,” bungad agad ni Chet sa phone. Makaraan ang sandaling kumustahan, du’n na kami nagpasakalye ng aming pakay.
Mula sa isang HEARSAY, we wanted to HEAR what Chet had to SAY.
“Buti, Ron, nabanggit mo ‘yan,” was Chet’s curt reply sa ipinahatid naming tsismis na umiikot sa Pasay, “Narinig ko na rin ‘yan.”
It calmed us a bit. Ibig sabihin kasi’y hindi kami ang nagpasimuno ng tsismis, in fact, we were even “outscooped.”
“No, it’s not true. Hindi totoong last minute, eh, magwi-withdraw ako, then si Sharon ang tatakbo,” sabi niya, causing us to distinctly recall ‘yung tanong namin sa kanya in our July (this year) interview na bakit siya ang tatakbong mayor and not Sharon na matagal na ring kumakalat?
“Sharon has a heart for politics but not the stomach for it,” ang tandang-tanda naming sagot ni Chet.
Many times over naman ay ‘yun ang consistent stand ni Sharon. Hamo nang ang mister niyang si Sen. Kiko Pangilinan remains in the political fray.
“Gawa-gawa lang ‘yan ng mga kalaban ko. Kino-confuse nila ‘yung tao, look, sila rin mismo ang nako-confuse! Saka if it’s true, aba, para ko na ring niloloko ang tao. Para na rin kitang niloko,” katwiran niya.
Limang araw mula ngayon ay filing na ng COC to last until the 17th. “I’m filing on the first day.
Sasamahan ako ni Sharon. My sister is busy right now as she’s doing a movie under Star Cinema. I made her choose which day siya puwede, magpapaalam daw siya sa production,” paglilinaw ni Chet.
So there.
q q q
And the arrest is history.
Ipinadadakip. Naharang dahil sumilong sa Senado. Umabante ang kaso.
Natuloy ang pag-aresto. Nakapagpiyansa. Nakalaya. Nakauwi ng bahay. Balik sa Senado.
Ito ang mabilis na turn of events sa political career ni Sen. Antonio Trillanes IV that the sequence wouldn’t eat up so much space in a diary.
Post nga namin sa Facebook: Back in harness, back to harshness. Anino pa lang kasi ng mambabatas can cause a lot of tumbongs to wiggle if not tremble in fear.
Regardless of political color in one’s skin, inaabangan kung ano’ng isisiwalat niya.
Partikular na target ni Trillanes si SolGen Jose Calida at SAP Bong Go on their alleged anomalous involvements. May paggulong ang imbesigasyon. Either mapatunayan ng senador ang kanyang expose o mapahiya lang siya.
But as truth is being ferreted out, nade-deflect tuloy ang dapat sana’y mas mabigat pang issues, na kahit ang diary ng sinuman will have no more space for such.
Hay, kalderetang turkey!