Liza Dino kay Bertiz: Lahat tayo dapat sumusunod sa batas, walang exempted!

BILIB kami sa pagiging abala ni FDCP Chairperson Liza Dino-Seguerra.
Sa aming panayam, sinabi nitong mahal na mahal niya ang industriya ng pelikula kaya naman simula Nang maupo siya bilang FDCP Chairperson (almost 2 years) ay walang ibang ipinaglalaban si Liza kundi ang mapabuti ang movie industry at makilala tayo sa ibang bansa sa pamamagitan ng mga dekalidad nating mga pelikula.
Bahagi ng gobyerno ang FDCP at naging maboka si Liza sa pagsasabing suportado naman sila ng administrasyong Duterte. Nang tanungin namin kung magkano na ang ibinigay na pondo sa kanila ay naging diretsahan si Liza sa pagsasabing P120 million na ito para sa isang taon.
Kulang na kulang ito ayon pa sa Chairperson kaya naman bilang namumuno sa ahensiya ay minabuti nitong makalikom pa ng pondo sa pamamagitan ng Kongreso at Senado kung saan siya mismo ang naglalakad nito.
Malaking obligasyon ito para sa kanya at ayaw niya diumanong sayangin ang pagkakataong ito upang maging maayos ang kanyang administrasyon o pamumuno sa FDCP.
Nang tanungin naman namin tungkol sa pang-aabuso ng ilang government officials sa kanilang karapatan tulad na lamang ng isyung kinakaharap ngayon ni ACTS OFW Party-List Rep. John Bertiz III ay heto ang kanyang naging pahayag.
“Security measures are in placed for a reason. It is to protect us, the paseengers na alam naman nating maraming puwedeng mangyari sa loob ng isang airport and we should always be careful at yun ang ginagawa ng airport natin.
“Hindi porket nasa gobyerno tayo ay ganoon na ang gagawin natin sa mga taong nagtatrabaho sa ating airport na ginagawa lang din naman ang kanilang trabaho. We all have to abide the rules.
“Patakaran yan o protocol everywhere in the world at walang exempted!” lahad pa ni Liza nang makausap namin siya sa send-off presscon para sa mga pelikulang Pinoy na ipadadala sa Busan International Film Festival ngayong taon.

Read more...