AFP pinangalanan ang MM schools na umano’y sangkot sa ‘Red October’

PINANGALANAN ng isang opisyal ng militar ang mga paaralan sa Metro Manila kung saan umano nanghihikayat ang Communist Party of the Philippines (CPP) para lumahok sa “Red October” plot  na naglalayong patalsikin si Pangulong Duterte. 

Kinilala ni AFP Assistant Deputy Chief of Staff for Operations Brig. Gen. Antonio Parlade Jr., ang mga unibersidad na:

University of the Philippines Diliman

University of the Philippines Manila

Polytechnic University of the Philippines-  Sta. Mesa

Ateneo de Manila University

De La Salle University

University of Santo Tomas

Adamson University

Far Eastern University

University of the East- Recto

University of the East – Caloocan

Emilio Aguinaldo College

Earist-Eulogio Amang Rodriguez

San Beda University

Lyceum University

University of Makati

Caloocan City College

University of Manila

Philippine Normal University

Sa pagdinig sa Senado, ibinunyag ni AFP chief of staff Gen. Carlito Galvez Jr. na hinihimok umano ng mga komunistang grupo ang mga estudyante sa ilang paaralan sa Metro Manila para siya patalsikin.

“Ini-incite nila ang mga estudyante na mag alsa dahil nga dito sa mga issues ng EJK (extrajudicial killings),” sabi Parlade.

Read more...