Mocha Uson for senador o congresswoman?

POSIBLENG bahagi ng preparasyon umano sa 2019 elections ang pagbibitiw ni Mocha Uson bilang Assistant Secretary ng Presidential Communications Operations Office.

Ayon kay ACT Rep. France Castro kahit naman wala si Uson ay uusisain pa rin ng Kongreso ang budget ng PCOO.

“Sa usapin ng budget bilang public official dapat meron syang tapang at lakas ng loob na kung totoo ‘yung pinagsasasabi nya sa blog dapat doon sya humarap officially dito sa Kongresong ito,” ani Castro.

Sinabi ni Castro na hindi na bago ang balita na tatakbo si Uson sa pagkasenador o pagka-kongresista sa ilalim ng isang partylist group.

“Welcome naman ‘yun eh (pagpasok sa pulitika) siguro preparation nya na rin ito para sa alam nyo ‘di ba sa Monday ay start ng filing ng certificate of candidacy kaya tingin ko preparasyon n’ya na ito doon sa kanyang pagkandidato…at huwag nya ng gamitin ang rason na dahil daw binibitin o nabibitin ang budget ng PCOO kailangan na lang n’yang mag-resign.”

Read more...