SINIBAK na ni Pangulong Duterte ang isa sa mga natitirang kilalang makakaliwa na kanyang itinalaga sa gobyerno na si Labor Undersecretary Joel Maglunsod.
“Si Joel Maglungsod pinaalis ko. Pinagbigyan ko sila noong bago ako kasi gusto ko ma… Nandoon sila sa opisina, Joel Maglungsod, sila lahat. Sige pa sila — sama-sama pa kami sa Davao,” sabi ni Duterte sa kang talumpati Martes ng gabi.
Isa-isang sinibak ni Duterte sa pwesto ang mga makakaliwa na itinalaga sa pwesto matapos naman na matigil ang usapang pangkapayapaan sa pagitan ng gobyerno at ng National Democratic Front (NDF).
“Eh ‘yung mga ideology niyo…Pero in the long run, gusto nila pati sila magdala ng gobyerno. Makipag-away ka sa akin, makipag-barilan ka tapos ngayon sabihin mo kasama tayo sa gobyerno, itong mga powers na ‘to. Kalokohan ‘yan,” dagdag ni Duterte.
Nagbanta rin si Duterte sa militanteng grupo na Kilusang Mayo Uno (KMU) na kilalang makakaliwa.
“That ain’t the way to do it. Pati ako niyan kakainin — sistema. Ayan pakisabi — pati ‘yang Mayo Uno na ito mag — ipaaresto ko lahat ‘yan,” ayon pa kay Duterte.