Mocha Uson nag-resign na

INIHAYAG ni Special Assistant Secretary to the President (SAP) Christopher “Bong” Go na tinanggap na ni Pangulong Duterte ang pagbibitiw sa pwesto ni Communications Assistant Secretary Mocha Uson.

“Nirerespeto po naman ang kanyang pagre-resign at nagpapasalamat rin kami kay Asec. Mocha sa kanyang naging serbisyo po sa gobyernong Duterte. Naging good ally po siya,” sabi ni Go.

Idinagdag ni Go na Martes nang natanggap ni Duterte ang resignation letter ni Uson. 

Maraming  beses na pinanawagan ang pagbibitiw ni Uson dahil naman sa iba’t ibang kontrobersiyang kinasasangkutan, kabilang na ang “Pepedederalismo” video at ang sign language video kasama ang isa pang kontrobersiyal na blogger na si Drew Olivar.

Inihayag ni Uson ang kanyang pagbibitiw dahil sa planong pagtakbo sa Kamara.

Read more...