SA kabila ng mga nam-bash at nanglait sa magdyowang Nadine Lustre at James Reid sa pagrampa nila sa nakaraang ABS-CBN Ball, very positive pa rin ang pagtanggap nila sa mga comments ng haters.
First time maka-attend ng tambalang JaDine sa isang bonggang event ng Kapamilya Network pero maraming nang-okray sa dalawa dahil sa kanilang outfit, lalo na si Nadine na rumampa sa red carpet suot ang isang high-slit black dress na gawa ni Garimon Roferos.
May mga nagsabing mukha raw laos na boldstar ang dalaga dahil sa suot niyang damit. Para lang daw silang pupunta ng bar ni James para magpakalasing. Meron ding nagsabi na nagmukha raw cheap si Nadine sa kanyang black OOTD.
Sey nga ni @picassotsetserokovia, “@nadine u’ve become a big disappointment to women. You’re not empowering them. u’ve changed bigtime because u adjust your whole life for james. from decent, reserved, shy girl to a wild, rebellious, obsessed-to-her-jowa girl that u are right now.
“U are supposed to change james but u weren’t able to change him that’s why IKAW NA LANG. Dinaig mo pa si james sa ABRUPT CHANGE OF IMAGE mo. Instead o gaining fans, u are losing them. wag mo sasabihin umalis ang ayaw na. kelangan mo pa rin ang maraming fans, atih. isa pa pala, maybe u are dugyot na sa paningin ni James.”
Hindi rin nakaligtas si James sa mga negatibong komento ng netizens, bakit daw pumayag siyang magmukhang kotse sa ABS-CBN Ball. Ang tinutukoy ng bashers ay ang tila seat belt ng sasakyan na nakasuot sa balikat at dibdib ng hunk actor.
Comment ng isang netizen, “James si so lucky he is so handsome otherwise one would think binaboy sya!”
“Para namang naging asong ulol ang peg ni James? Bakit ganu’n?”
“Parang La Luna Sangre. Or twighlight pati ung makeup.”
Pagtatanggol naman ng isang JaDine fan, “Ang daming nag babash ng suot nya, aminin nu di kasi bagay sainyo pag kayo ang nagsuot mukha kayong aso. Hahaha!”
“People made fun of the leather strap harness but LOL it’s not a new trend, and @james wore it the best!”
Samantala, sa Instagram post nga ni James kamakailan, ibinandera niya sa buong universe na si Nadine pa rin ang pinakamagandang babae para sa kanya sa nakaraang ABS-CBN Ball.
Ipinost niya ang litrato nila ni Nadine na may caption na, “Nadine was my star of the night. An absolute stunner.”
Comment ni @barbiegpotz, “Graaabiii naman po Kuya @james kakakilig po sobra! Whoaaaaaaahhh. Pinasaya niyo po ako talaga. Graaabiii sana Kuya @james huwag na po siya pakawalan pa. Stay Strong po Team Real Kuya @james and Ate @nadine. Sama niyo po kaming fans niyo kapag kinasal na po kayo. Para harapan ko po namin makita kayong nagkikiss. WE LOVE YOUUUU po Kuya and Ate.”