‘Trillanes nag-apply ng amnesty’

ISINIWALAT ng Armed Forces of the Philippines na nag-apply ng amnesty si Sen. Antonio Trillanes IV taliwas sa nakasaad sa Presidential Proclamation 572 na binabawi ang amnestiya ng senador dahil hindi ito nakapag-apply.

Sa budget hearing ng Department of National Defense para sa susunod na taon, inamin ni AFP Chief of the Staff General Carlito Galvez Jr na “posibleng nag-apply” si Trillanes.

Pero aniya, malamang na “hindi nakarating” ang papeles sa headquarters kaya walang nakitang dokumento na naging basehan ng proklamasyon ng Palasyo.

Sa nasabi ring pagdinig, nilinaw naman ni DND Secretary Delfin Lorenzana na hindi amnesty application ni Trillanes ang hinihingi ni Solicitor General Jose Calida kundi ang buong amnesty record ng senador.

Read more...