Gretchen sinagot ang dialysis at chemo ng 4 na cancer patient

GRETCHEN BARRETTO

GRETCHEN Barretto and her friends centered their wish-granting activities para sa mga may need ng dialysis and chemotherapy.

Sa recent posts ni La Greta, apat na ang napili nilang bigyan nila ng tulong.

“Maam Gretchen sana mabasa mo yung request ko. Hihingi po sana ako para sa Dialysis ng mama ko. Or gamot na Recormon injection po. ang mahal po kasi nun. Nag dadialysis po sya twice a week taga Iloilo po.

“Sana po matulungan nyo kme yan po ang wish ko for Christmas na di mahirapan ang pamilya ko sa pag hanap ng ipapa dialysis sa mama ko. Salamat po maam,” post ni @rmarhea.

Positive naman ang sagot ni La Greta who said, “@rmarhea your Request is Granted by world pitmasters cup & me number 4 dialysis grant out of 30 grants for October keep sending your requests.”

Read more...