Taping ng Onanay sinugod ng mga taga-Bulacan


SUMUGOD ang mga fans sa taping ng top-rating primetime teleserye ng GMA 7 na Onanay na ginanap sa Brgy. Gaya-gaya, San Jose Del Monte, Bulacan kamakailan.

Kahit tirik na tirik ang init talagang nagpuntahan ang mga taga-Gaya-Gaya sa taping para lang makita up close and personal ang mga bida ng paborito nilang serye.

Grabe ang hiyawan ng mga tagasuporta ng Onanay nang makita nila ang Superstar na si Nora Aunor. At in fairness, personal pang nagpasalamat si Ate Guy sa mga tagaroon sa pagtutok at pagsuporta sa kanilang programa gabi-gabi.

At siyempre, hindi rin nila pinalagpas ang pagkakataon na makita at makapagpa-picture sa lead star ng serye na si Jo Berry na gumaganap bilang si Onay.

Isa itong patunay na talagang malakas sa masa ang nasabing GMA Kapuso series kaya naman bukod sa napakataas na rating na nakukuha nito, palagi rin itong trending sa social media.

Patuloy na tutukan ang mas tumitindin pang mga eksena sa Onanay na napapanood pa rin mula Lunes hanggang Biyernes sa GMA Telebabad after Victor Magtanggol. Kasama pa rin dito sina Mikee Quintos, Kate Valdez, Cherie Gil, Gardo Versoza, Rochelle Pangilinan, Wendell Ramos, Vaness del Moral at marami pang iba.

Read more...