Alice halata na rin ang pagtanda, lumulubog na ang mga mata


GANDANG-GANDA kay Alice Dixson ang mga kaibigan namin. Sa lahat nga naman ng anggulo ay panalo ang aktres, walang mali sa kanyang mukha, hindi pinagbabago ng panahon ang kanyang kagandahan.

Kahit nu’ng matagal na nawala si Alice at biglang bumalik na sa bansa dahil hindi naging matagumpay ang kanyang lovelife ay gandang-ganda pa rin sa kanya ang mga kaibigan namin.

Sa pagtutok ng aming mga kaibigan sa seryeng Ngayon At Kailanman kung saan may mahalagang role si Alice Dixson ay meron silang napansin.

Komento ng isa naming nakakuwentuhan, “Wala pa talagang nakaliligtas sa age. Kapag tumatanda na pala ang isang tao, kahit gaano pa siya kaganda, e, halatang-halata na rin ang mga parts ng face niya na nangangailangan na ng pag-aalaga.

“Si Alice, ang ganda-ganda talaga niya, pero kapag binibigyan na siya ng extreme close-up, halatado na ang pagtanda niya. Lalo na ang mga mata niya, parang lumulubog na, saka may mga excess fats na rin siya.

“Pero kahit ganu’n, e, maganda pa rin si Alice Dixson. Maarte lang siyang umarte, pero panalo pa rin ang beauty niya,” kuwento ng aming kaibigan.

Sabi nga ng mga kababaihan, age is just a number, ang pinakamahalaga pa rin ay ang ating pinagkatandaan.

Read more...