‘Hindi taga-Cornerstone ang nanloko kay Kris!’


GUSTO naming linawin na ang taong nanloko kay Kris Aquino ay hindi empleyado ng Cornerstone Management na pag-aari ni Erickson Raymundo.

Ito kasi ang usap-usapan ngayon sa showbiz, staff daw ni Erickson ang taong ito at nag-resign nang mabuking na ni Kris.

Ang nababanggit na personalidad na hindi pa pinapangalanan ng Social Media Queen ay manager niya sa digital platform na nakikipag-negotiate sa lahat ng gustong kunin si Kris na brand partner. Siya rin ang in-charge sa mga webisodes na nasa social media accounts ng KCAP.

Si Erickson ang manager ni Kris sa non-digital platform, ibig sabihin ay sa usaping pelikula at TV shows ang concerns nito.

As of now ay on-going pa rin ang imbestigasyon sa financial status ni Kris at kapag natapos na lahat ay saka magdedesisyon ang mga abogado niya kung kakasuhan ang taong nanloko sa kanya.

Read more...