Lyceum Pirates lalapit sa twice-to-beat advantage

Mga Laro Ngayon
(Filoil Flying V Centre)
2 p.m. Arellano vs EAC
4 p.m. Mapua vs Lyceum
Team Standings: Lyceum (13-1); San Beda (13-1); Letran (10-4); Perpetual (9-5); St. Benilde (8-6); Arellano (4-9); Mapua (4-10); San Sebastian (4-10); EAC (32-11); JRU (2-13)

LUMAPIT sa paghablot ng isa sa dalawang nakatayang twice-to-beat na bentahe sa Final Four ang asam ng Lyceum of the Philippines University Pirates sa pagsagupa sa Mapua Cardinals ngayon sa tampok na laro sa NCAA Season 94 men’s basketball tournament sa Filoil Flying V Centre, San Juan City.

Una munang magsasagupa alas-10 ng umaga ang Arellano University Braves at Emilio Aguinaldo College Brigadiers at ang Mapua Red Robins kontra Baby Pirates sa ganap na alas-12 ng tanghali.

Magsasagupa naman ganap na alas-2 ng hapon para sa natitirang tsansa na makaagaw ng silya sa Final Four ang Arellano Chiefs at ang EAC Generals bago ang salpukan ng nangungunang Pirates at Cardinals.

Magkasalo ang Pirates at nagtatanggol na kampeong San Beda Red Lions sa liderato sa parehas na 13-1 panalo-talong record na kapwa nabigyan ng libreng daan diretso sa Final Four matapos na itala ng EAC Generals ang upset kontra sa College of St. Benilde Blazers, 69-67, noong Biyernes.

Kaya naman nakatutok na lamang ang Pirates sa pag-uwi sa isa sa importanteng insentibo sa semifinals.

“The goal remains the same, which is to win a championship. But we know it will take a step-by-step approach for us starting with this (Mapua) game,” sabi ni Lyceum coach Topex Robinson sa krusyal na panalo kontra Cardinals na magbibigay sa Pirates ng playoff para sa insentibo na nakalaan para sa dalawang mangunguna sa eliminasyon.

Ang Cardinals ay talsik na sa torneo sa bitbit nitong 4-10 record.

Huling ipinalasap ng Lyceum ang kanilang galit sa Arellano Chiefs sa pagtakas ng 113-79 panalo noong Martes matapos na malasap ang 81-83 kabiguan sa host University of Perpetual Help Altas.

Ilang record ang itinala ng Lyceum sa one-sided na panalo kontra Arellano tulad ng most points scored (113), most three-pointers made (14), most assists (27), most fast break points (34) at most bench points (81).

 

Read more...