Matteo kay Sarah: You’re the most beautiful woman at the Ball!


KILIG na kilig ang mga Popsters sa bagong Instagram post ng boyfriend nitong si Matteo Guidicelli.

Very open na nga ang magdyowa sa pagpapakita sa publiko ng matinding pagmamahal nila sa isa’t isa, at saksi nga riyan ang lahat ng mga nakakita sa kanila sa nakaraang ABS-CBN Ball. For the first time kasi ay naka-date ni Matteo ang kanyang girlfriend sa ganu’n kabonggang event.

Kadalasan kasi ay sa mga private party at gathering lang sila nagkakasama kaya naman proud na proud ang binata na rumampa sa first ever ABS-CBN Ball kasama si Sarah.

Sa kanyang Instagram account, nag-post si Matteo ng sweet message para sa Pop Royalty, anito, “My love, You make my whole world stop.

“Thank you for supporting me. I’m always here for you. You were the most beautiful woman last night at the ball!!”

Isang video rin ang ipinost ng binata sa YouTube kung saan mapapanood ang ginawa nilang preparasyon ni Sarah para sa ABS-CBN Ball. Bumaha ng positive at kilig comments sa IG ni Matteo matapos niyang i-post ang video na inihalintulad pa ng kanilang fans sa isang wedding video.

In fairness, super happy ang mga Popsters para sa kanilang idolo dahil nagagawa na nitong makipag-date kay Matteo nang walang “bodyguard”. Sa katunayan, nitong nakaraang buwan lang ay magkasamang nagbakasyon ang magdyowa sa Italy, kung saan nila nag-celebrate ng kaniang fifth anniversary bilang lovers.

Read more...