Basketball player na nanliligaw daw kay Yassi pinagseselosan na ni Coco?


KALAT na ang chika na nagseselos daw si Coco Martin sa isang basketball player na nanliligaw kay Yassi Pressman. Ayaw kasing mamatay-matay ang chika na nagkakamabutihan na raw ang dalawang bida ng Probinsyano.

Sa panayam ng Tonight with Boy Abunda kay Yassi ipinagdiinan ng aktres na wala silang relasyon ni Coco at talagang maasikaso lang talaga ang binata sa kanilang lahat, “Yung care para sa isa’t isa.

“Si Coco po kasi yung tipong inaalagaan niya lahat, sinisiguro niyang maayos ang lahat, nakakain na lahat.

Ako rin naman po I like showing people that they’re important to me,” paliwanag pa ni Yassi.

Nagsimulang matsismis na may relasyon ang dalawa nang mag-viral ang isang video clip kung saan mapapanood na “naghahalikan” sila.

Paliwanag naman ng dalaga tungkol sa basketball player na pinagseselosan daw ni Coco, “Unang-una po, hindi siya basketball player at ‘yung tao pong yun is part of our marketing team. Kasi nagbi-build po kami ngayon ng website, we’re putting out a book also.”

“Close din naman po (kami). Matagal na po. As in bago pa ako mag-showbiz,” dagdag pa ng dalaga.
Ipinagdiinan din ni Yassi na napakalaki rin ng utang na loob niya kay Coco dahil tulad ng ibang artistang tinulungan ng aktor, ito rin ang nagbigay sa kanya ng napakalaking break sa Ang Probinsyano.

“Isa po ako sa mga tao na nabigyan niya ng bagong buhay, kasi nabigyan niya ako ng opportunity,” sey ng Kapamilya actress.

Read more...