Dyosang aktres diring-diri sa lalaking balasubas kumain


PASOK na sana sa banga ang manliligaw ng isang sikat na aktres kundi lang dahil sa pagiging barubal ng lalaking napakalakas ng loob na manligaw sa kanya.

Guwapo, mayaman, wala na sana siyang hahanapin pa sa non-showbiz guy.

Prim and proper kasi ang female personality, alam niyang kumilos sa tamang panahon, kaya naman inoobserbahan din niya ang mga nanliligaw sa kanya.

Kuwento ng aming source, “Kaso, nu’ng minsan siyang yayaing mag-dinner date ng guy, mula nu’ng gabing ‘yun, nawalan na siya ng gana sa suitor niya.

“Paano naman, nakita niya ang kawalan ng respeto ng guy sa hapag-kainan. Ayaw hubarin ang cap niya, kaya kumain silang nakasumbrero ang lalaki. Minus one point na para sa kanya ‘yun!

“Habang kumakain sila, e, naririnig niya ang pagnguya ng food ng lalaki. Hindi ‘yun pagnguya, pagngasab ang ginagawa ng guy, diring-diri na talaga sa kanya ang girl pero hindi na lang siya nagpapahalata.

“Minus two points na siya sa girl! Heto na, pagkatapos nilang kumain, e, natural lang na gagamit sila ng toothpick para magtanggal ng mga tinga-tingang nasa teeth nila, di ba?

“Nakatakip ng mouth niya ang girl na talaga namang nararapat, pero ang guy, ni hindi man lang siya kumuha ng napkin para takpan ang bibig niya.

“Wala lang, tinga lang siya nang tinga, ‘yung mga nakukuha niya, e, kinakain niya uli, gusto nang masuka ng girl sa mga nakikita niya, pero again, hindi na lang siya nagpahalata, dahil didispatsahin na rin lang naman niya ang guy!” simulang kuwento ng aming source.

Tinawagan agad ng sikat na female personality ang kaibigan niya na nagpakilala sa kanya sa non-showbiz guy, ikinuwento niya ang nangyari nu’ng nakaraang gabi, windang na windang ang kanyang friend.

“Kinabukasan, tumawag ‘yung guy kay female personality, pero hindi na niya sinasagot ang tawag ng lalaki. Ayaw na niya, diring-diri na siya sa lalaki, dahil sa kawalan ng table manners.

“Ganu’n talaga siya ka-observant sa mga manliligaw niya, konting kamalian lang, e, tinatabangan na siya.

Pasalamat ang napangasawa niya dahil nakapasa siya sa mga pagsubok. Walang nakitang mali sa kanya ang girl, kaya nagkatuluyan sila!

“Bradly Guevarra, Tita Nene Ulanday, Jon at Ching Bautista Silverio, napakaganda ng aktres na ito, nakatayo man siya o nakahiga sa kabaong. Getlak n’yo na kung sino siya?” pagtatapos ng aming source.

Read more...