Horoscope, October 02, 2018

Para sa may kaarawan ngayon: Gawing habit ang pagpapalakas ng kalusugan. Malaking halaga ng salapi ang matitipid kung bihira lang magkasakit. Sa pag-ibig, yayain ang kasuyo sa mga gawaing may kaugnayan sa physical fitness. Mapalad ang 3, 7, 18, 27, 33, at 48. Mahiwaga mong mantra: “Kavah-Taram-Om.” Blue at green ang buenas.
Aries – (Marso 21-April 19) — Hindi ang panlabas na anyo ang magpapaligaya sa iyo, bagkus nasa loob ng puso. Maghanap ng taong mabait na may pinag-aralan, kahit pangit, siya ang ibigin mong tunay. Tandaang kapag ang puso’y nagmamahal, kusang gumanda ang kapalaran. Mapalad ang 3, 6, 24, 33 at 42. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Krato-Joviyo-Om.” Violet at red ang buenas.
Taurus – (April 20-May 20) — Habang nakikinig ng musika, isa-isang magbabalik ang alaala ng nausyaming lumipas. Sa pinansyal sa buwang ito ng Oktubre kusang aangat ang income at marami pang pagkakataon ng pagkakaperahan ang darating. Mapalad ang 6, 18, 27, 30, 33 at 46. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Agne-Om.” Lilac at pink ang buenas.
Gemini – (May 21-June 21) — Alahas na silver ang aakit ng swerte. Sa pag-ibig, susuwertehin ka sa isang matabang babae na medyo pandak. Kung ikaw ay babae, susuwertehin ka sa isang lalaking payat na mabilis maglakad. Mapalad ang 5, 9, 23, 31, 37, at 41. Mahiwaga mong mantra: “Vayur-Anilam-Artam-Om.” Bukod sa silver ang blue ay buenas.
Cancer – (June 22- July 22) — Hindi makakapagdagdag ng income ang lihim na sama ng loob. Sa pag-ibig, kung sino pa ang iyong kinaiinisan, siya pa ang unti-unting sa iyo ay napapamahal. Mapalad ang 1, 19, 28, 31, 33 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Param-Prana-Prisada-Om.” Green at yellow ang buenas.
Leo – (July 23 – August 22) — Singilin ng mahigpit ang mga taong sa iyo ay may pagkakautang. Malapit na ang pasko, kailangang makaipon ka ng maraming pera. Sa pag-ibig, hindi mo ba alam, habang nagsusungit ka, lalo kang gumaganda? Mapalad ang 3, 18, 24, 27, 39 at 489. Mahiwaga mong mantra: “Aum-Mayena-Patrena-Om.” Orange at lilac ang buenas.
Virgo – (August 23 – September 22) — Hindi makukuha sa dakdak at kuwento ang suwerte. Iwasang makipag-tsismisan, kailangan ang pagkilos upang umunlad. Sa pag-ibig, naghahanap ang minamahal, mamayang gabi ipagkaloob mo sa kanya ang masarap na romansa militar. Mapalad ang 5, 14, 26, 37, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Visnu-Purana-Visnu-Om.” Gold at orange ang buenas.
Libra – (September 23-October 23) — Kung magpapagawa ng bahay, siguraduhing may bintana sa silangangan. Sa ganyang paraan, mabilis na papasok ang suwerte at magandang kapalaran. Mapalad ang 4, 17, 27, 35, 41 at 48. Mahiwaga mong mantra: “Harin-Aum-Haram.” Green at purple ang buenas.
Scorpio – (October 24 – November 21) — Kulang ka sa libido kaya mabagal ang pag-asenso. Lagyan ng libog ang anomang ginagawa. Sa pananalapi, lagya ng lambing ang pag-aalok ng kalakal. Sa pag-ibig, mamayang gabi, landiin ang minamahal. Mapalad ang 7, 16, 34, 39, 43, at 47. Mahiwaga mong mantra: “Kurvan-Adhenan-Janan-Om.” Green at maroon ang buenas.
Sagittarius – (November 22 – December 21) — Panindigan ang anomang binitiwang salita. Sa pag-ibig, tuparin ang ipinangako sa minamahal. Sa pinansiyal, iwasang magpabago-bago ng pasya upang magtuloy-tuloy ang suwerte at ang pagdating ng malaking halaga. Mapalad ang 7, 13, 22, 34, 41 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vajur-Veda-Om.” Yellow at lilac ang buenas.
Capricorn – (December 22 – January 19) — Tandaang hindi palakihan ng suweldo o paramihan ng pera ang labanan, kundi paramihan ng ipon. Sa pag-ibig at sa lahat ng bagay kung sino ang maraming pera, siya ang higit na mas magiging maligaya. Mapalad ang 6, 10, 23, 25, 34, at 46. Mahiwaga mong mantra: “Yod-He-Vau-Weh.” Maroon at lilac ang buenas.
Aquarius – (January 20 – February 18) — Wag magtiis at magsakripisyo alang-alang sa iba. Sa pag-ibig panahon na upang lumaban! Sa pananalapi, ang personal mong kaligayahan ang dapat mong iprayoridad. Mapalad ang 2, 16, 25, 35, 46 at 49. Mahiwaga mong mantra: “Vasudeva-Vedanta-Sutra-Om.” Pink at red ang buenas.
Pisces – (February 19 – March 20) — Maging maingat sa bawat desisyong ipapatupad. Mag-isip munang mabuti bago mag-invest ng malaking halaga sa isang negosyong wala naman talagang produkto kundi panay lang recruit ng mga tao. Sapag-ibig, iwasang manaig ang immoral na relasyon upang hindi ka mapahamak. Mapalad ang 3, 17, 27, 38, 42 at 44. Mahiwaga mong mantra: “Baba-Nam-Ke-Balam.” White at black ang buenas.

Read more...