Promise ng anak ni K Brosas: ’I can make my own name!’


TOTOO talaga ang kasabihan na kung ano ang ibinuhay mo sa pamilya mo ay siya rin nilang mamanahin.

Patunay diyan ang mag-inang Crystal Brosas at K Brosas.

Kabilang si Crystal sa mga ipinakilala sa ginanap na Cornerstone Music Grand Launch sa Eastwood Central Plaza nitong Huwebes, sponsored by Wish 107.5 FM.

Tulad ni K ay mahilig ding mag-compose si Crystal, sa katunayan siya mismo ang sumulat ng kanyang unang single na malapit nang i-release sa digital platform.

Sa tanong sa dalaga kung ano ang payo sa kanya ng nanay niyang si K, “Well, alam naman natin ‘yung mommy ko is 18 years na sa showbiz, so kung sinuman ang mag-a-advice sa akin sa industry siyempre ‘yung mom ko ‘yun, ‘di ba?

“Yung mga advice niya lang sa akin keep your feet on the ground. ‘Yun naman talaga ang key dito sa showbiz, eh. Minsan kahit super-talented mo kung hindi naman ano (maganda) ‘yung ugali mo, ‘di ba you wouldn’t take long here sa industry.

“So ‘yun talaga sinasabi niya. Keep your feet on the ground, ‘wag ka magpasilaw kung kani-kanino. Ang gawin mo lang is i-promote ‘yung talent mo. And I’m really thankful na sobrang supportive sa akin ni mommy. Sabi naman niya sakin kahit anong career naman ‘yan, basta kung du’n ako masaya, she will support me,” kuwento ng dalaga.

Ang pamantayan ni Crystal sa pagpasok niya sa industriya ay sisikapin niyang gumawa ng sariling pangalan niya at hindi laging nakakabit ang pangalan sa mommy K niya.

“Si mommy kasi alam natin medyo pang-masa, rakista, biritera. Ako kabaliktaran, ako kasi acoustic, smooth lang medyo R&B and soul (genre). Siguro ‘pag mag-step-out ako du’n ipapakita ko rin na I’m more than an anak ng artista. I’m Crystal Brosas. I can make my own name,” aniya..

Graduating na si Crystal sa kolehiyo at sisikapin niyang kaya niyang pagsabayin ang pag-aaral at ang nagsisimulang singing career.

“Ngayon naman talaga kailangan time management lang. Katulad kanina, meron akong class ng 1 to 4. Ang ginawa ko talagang naka-make-up na ako sa school, nakaayos na ako.

“So, maghahanap ka talaga ng line between du’n, eh. So talagang time management lang. At ‘pag magagawan naman ng paraan, you can find ways naman,” sabi ni Crystal.

Read more...