“CRIME of passion.”
Iyan ang summation ni Lolit Solis sa pangloloko kay Kris Aquino which reportedly involved millions of pesos.
On her Instagram account, Lolit explained how she came to that realization.
“Isang nakakakilala sa taong nanloko kay Kris Aquino ang shocked na shocked sa nangyari. According sa taong ito, iyon daw nanloko kay Kris ay isang learned person na galing sa isang edukadong pamilya na may kaya kaya ‘di siya makapaniwala na nagawa ito ng taong iyon. At sabi nga nag-alok na ang lola at auntie na sila na magbayad ng kinuha na pera.
“May balita pa na may special friend daw na actor ang naturang tao kaya nagawa, at baka fall guy na lang ang pinagbintangang nagnakaw o nagtakbo ng pera.
“Masalimuot ang mga istoryang kumakalat at kung tutoo, isa na naman crime of passion, dahil sa pagmamahal kaya nangyari ang lahat. O pag-ibig lagi na lang ikaw pinagbibintangan, kawawa ka naman, basta ikaw pumasok, mahirap ng lumabas.”
That was Lolit’s account of how things happened kay Kris. Incidentally, nasa Singapore daw ngayon si Kris kasama ang kanyang dalawang anak para magpagamot.