GMA 7 may bonggang offer din kay Regine kaya di pa pumipirma sa dos


CURIOUS kami kung anong programa ang ibibigay kay Regine Velasquez sakaling matuloy na ang paglipat nito sa ABS-CBN.

Ilang araw nang pinag-uusapan ang isyung lilisanin na ng Songbird ang GMA 7 na naging tahanan niya sa mahabang panahon. Tanda pa nga namin ang sinabi niya noon na hinding-hindi niya iiwan ang Kapuso Network dahil maganda ang trato sa kanya ng kanilang mga bossing.

Pero balitang tuloy na nga pang paglipat niya sa ABS-CBN para sundan ang asawang si Ogie Alcasid. Ayon sa sitsit, baka raw sa The Voice unang isasalang ang Songbird bilang coach.

Pero ang sabi sa amin ng isang source, baka raw walang The Voice sa susunod na taon (2019), “Parang wala namang The Voice next year, may inaayos pa yata sa franchise, I’m not sure.

“Kung lilipat si Regine, baka bigyan ng bagong show. Hindi pa siya nakapirma kaya wala pa akong alam kung confirmed na,” ang sabi pa sa amin.

Wala pang official announcement ang kampo ni Regine at maging ang GMA 7 na balitang may counter offer daw kay Songbird. Kaya siguro tikom pa ang bibig ni Mrs. Alcasid tungkol dito.

Nang makausap naman ng ABS-CBN News si Ogie ay nasa GMA pa rin daw ang asawa niya, “She is still officially with GMA. Kung ano man ‘yung naririnig niyo, all I can say is that I’m very, very excited for her whatever happens. As I said, lagi ko sinasabi, it’s all positive, positive vibes, so exciting, exciting times ahead.”

Ang final say pa ni Ogie, “Basta ako, bilang asawa niya, laging full support para sa kanya, at excited ako para sa kanya, kung anuman ang mangyayari. It’s a blessing, always. Iyon lang.”

Sabi pa sa amin ng taong malapit kina Ogie at Regine, “Baka kasi career growth ang hanap niya sa Dos like her friends and husband kaya lilipat.”

Read more...