Uee, Lee Jang Woo bibida sa K-Drama na ‘My Only One’


KOREAN words of the week: “Ahjumma” at “Ahjussi” – Nangangahulugan ang “Ahjumma” ng “Aunt” o “Tita” at ang “Ahjussi” naman ay “Uncle” o “Tito”. Ginagamit ang mga ito kung malaki ang agwat ng kausap at hindi kailangang kadugo.

q q q

May bagong Korean drama ang magaling na aktres na Uee, ito ang romantic drama na My Only One (My Beautiful Side).

Gumaganap si Uee bilang Kim Do Ran, isang English major graduate na naghahanda para sa upcoming licensure examination para sa mga guro habang nagtuturo sa isang pribadong institusyon.

Kasama rito ni Uee si Lee Jang Woo na kababalik lang mula sa dalawang taong mandatory military training. Gumaganap naman siya bilang Wang Dae Ryook, isang masunuring anak, bagamat tutol sa nais ng magulang na siya ay magpakasal.

Kwento ang My Only One ng pagtuklas ni Do Ran na bukod sa hindi niya totoong mga magulang ang nagpalaki sa kanya, madidiskubre niyang mamamatay tao rin ang mga ito.

Dati nang nagkasama sina Uee at Jang Woo sa Music Bank emcee noong 2012 at 2013.

Kabilang sa mga sikat na K-Drama ni Euee ang You’re Beautiful, High Society, Marriage Contract, Manhole at My Contracted Husband, Mr. Oh.

Kabilang naman sa mga K-Drama ni Jang Woo ang Pretty Man at Rosy Livers.– Jefferson Betaizar

Read more...