Lee Jong Suk naghahanda na sa pagpasok sa military


CONFIRMED nang bibida ang Korean superstar na si Lee Jong Suk sa bagong drama series na Romance Is a Supplement.

Huling napanood si Jong Suk sa blockbuster series na While You Were Sleeping kasama si Bae Suzy at ang ngayo’y sikat na aktor na rin na si Jung Hae In.

Kasabay nito, bali-balitang inalok din ang aktor na makasama sa Korean remake ng American drama na Younger na pinabulaanan naman ng agency ng aktorm “It was one of the offer he is currently reviewing, the reported news isn’t true,” ayon sa statement ng agency.

Magiging huling K-drama naman ni Jong Suk ang Romance Is a Supplement bago mag-enlist sa military.
Kinokonsidera na ipalabas ang nasabing serye sa unang bahagi ng 2019.

Samantala, abala rin si Jong Suk sa kanyang world tour kung saan posibleng kasama ang Pilipinas sa kanyang bibisitahin. Natapos na rin niya ang bagong pelikula na “Death Song”. – Jefferson Betaizar

Read more...