Sa kabila naman ng paghingi ng sorry, iniumang pa rin ang posibilidad na imbestigahan ng House committee on ethics ang insidente. Ang naturang komite ang maaaring magrekomenda ng parusa laban sa mga kongresistang irereklamo.
Sa kanyang pagharap sa media kahapon, sinabi ni Bertiz na gaya ng iba siya ay tao lang, na may kahinaan at umiinit ang ulo.
“Again I would like to extend my sincerest public apology, to the netizens,” ani Bertiz. “I shouldn’t act that way, it’s uncalled for…I shouldn’t have grabbed the ID of the gentleman (NAIA security aide)…I have no intention of harming [him].”
Ang tinutukoy ni Bertiz ay ang security checker na si Hamilton Abdul na kanyang sinita matapos umanong palusutin sa security check ang ilang Chinese looking men na mayroong escort na taga-NAIA. Sinita si Bertiz na hindi nag-alis ng sapatos.
Inabot ni Bertiz ang ID ni Abdul at ipinakita ang kanyang NAIA Security ID.
“Tao lang po na marupok, naii-stress at umiinit ang ulo,” ani Bertiz. “Patawad po.”
Inamin ni Bertiz na: “Napakahirap po pala na nagba-viral, hindi ka makatulog.” Kahit na ang kanyang mga anak ay naaapektuhan na umano at naba-bash sa social media.
Samantala, sinabi ni House Minority Leader Danilo Suarez na kakausapin nila ang Ethics committee kaugnay ng insidente na kinasasangkutan ng kanilang miyembro.
“We are gathering all the narratives of the event. But at the same time, I have consulted the leaders of the minority because we are quite 44 (members) There may be a possibility that we may have to take this up with the ethics committee,” ani Suarez. “We will initiate it. We will definitely [conduct an] investigation on what happened.”
Sinabi naman ni House Speaker Gloria Macapagal Arroyo na ibinigay niya ang isyu kay Suarez dahil si Bertiz ay miyembro ng minorya.